SOBRANG INIT!!!

Hello sa inyo! Bago ang lahat, gusto ko lang muna kayo i-remind na inom muna kayo ng tubig bago niyo ituloy basahin ‘tong post ko.

.

.

.

Nakainom na ba? G na.

For sure hindi lang ako ang init na init na sa bahay sa panahon ngayon. May na, dapat mejo tag-ulan na diba? Bakit mas mainit pa kaysa nung March-April? Ano na? Bakit sobrang init?!

Yung kwarto ko pa naman nasa tapat ng morning sun. Dati sobrang gustong gusto ko yung morning sun kasi nakaka-energize kahit maaga pa lang, pero sobrang nakakahapo na yung init kahit 8am lang. May AC unit din naman ako sa kwarto, pero syempre gusto ko pa din magtipid ng kuryente kaya kapag sobrang init ko nalang sya binubuksan. Hindi din naman inverter yung AC namin kaya palamig lang talaga tas patay na uli. Also, since uso ang AC topics sa Home Buddies, at naparami ang nagsa-suggest to switch to inverter type ACs since mas energy efficient daw– (kaya daw ang walang patayan lol issa scam), mas dun pa din ako sa energy not used is energy saved. Regardless kung inverter pa yan.

Sa ngayon, I’m looking for more ways to lessen the heat dito sa kwarto ko. Sa ngayon, I’m checking out frosted window films/tint sa Shopee para dito sa bintana ng kwarto. Nakaka-lessen ba talaga yun ng init? May naka-try na ba sa inyo? Or mas goods if blackout curtain? Kaso kung blackout curtain naman, masyadong madilim at maging unproductive na ko.

How do you handle the init dito sa ‘Pinas? Mag rain dance ba tayo? Ano bang dapat hahaha



6 responses to “SOBRANG INIT!!!”

  1. Sabi po effective ang tint and curtain pero best option po talaga eh yung maharang na yung sinag before pa tumama sa window hehe.

    Idk kung nasang floor po room nyo pero if may space outside window at kaya naman iinstall, may available po ata online na sunshade mesh canopy. Basta anything na magprevent po sa sunlight na direkta tumama sa window nyo hehe

    Liked by 1 person

    1. Bungalow ang bahay namin kaya pweds ko naman makabitan ng ganung sunshade! Sige nga gusto ko itry huhu as of the moment (8am) parang may nagsisiga dito sa loob ng kwarto ko hahaha thank you!!!

      Like

  2. Kasi opo, init na init din ako ahahahhuhuhu

    Liked by 1 person

    1. Drink your water bhie!!!!

      Like

  3. Grabe, kahit sobrang init dito sa UAE (umaabot 50 degrees kapag summer), thankful ako na lahat centralized ac dito. Huhuhu. Pero nabasa ko sa HB, sabi okay naman daw talaga ang tint ate. Cheap option pa.

    Liked by 1 person

    1. Grabe yung 50° huhu pano kayo nakakalabaaas. Tas dito pa satin pag lalabas need mag face shield na nakakadagdag ng init. Huhu

      Pinagiisipan ko na talaga yung tint!

      Like

Leave a comment

ciao, it’s chams

I attempt to share special tidbits of my life in this blog. Welcome to the main brain dump. :)

Newsletter